Martes, Setyembre 19, 2017

Ang aking Paglalakbay sa Rizal shrine ( Museo Ni Rizal ) at Fort Santiago , Intramuros

FORT SANTIAGO

Para ikaw ay makapasok sa loob ng Fort Santiago Kaylangan mong bumili ng ticket nagkakahalaga lamang ito ng 75 pesos pero kapag ikaw ay estudyante itong singkwenta pesos lamang magdala lamang ng I.D bilang patunay


Ang Fort Santiago ay isang lugar na bahagi ng Intramuros na nagsilbing kuta ng mga Kastilang mananakop na itinayo sa pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi na kauna-unahang Gobernador-Heneral ng Spanish Eas Indies dito sa Pilipinas

Ang lugar na ito ay naging saksi sa kabayanihan ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila at ng Ikalawang digmaang pandaigdig. Ang pambansang bayani ng Pilipinas, si Gat Jose Rizal ay dito nakulong bago siya mahatulan at patayin. Sa Intramuros makikita ang Rizal Shrine Museum na kung saan ipinakikita ang mga naiwang mahahalagang bagay na may kinalaman kay Rizal at ang hinulma sa bronze na sinasabing huling bakas ng paa ni Rizal mula sa lugar na pinagkulungan sa kanya hanggang sa lugar kung saan siya hahatulan ng kamatayan. 

Ang Fort Santiago ay ipinangalan kay Saint James The Great, isang santong patron na nakaukit ang larawan sa itaas ng gate ng Fort Santiago. Ito ay matatagpuan sa bukana ng Ilog Pasig at naging pangunahing pandepensa ng mga Kastila sa panahon ng kanilang pamamahala sa Pilipinas. Ang lugar na ito ay naging malaking bahagi sa pakikipagkalakan ng produkto ng Amerika at Europa. Dito rin nagsimula ang kalakalang Galyon ng Maynila at Acapulco.


ANG METAL NA YAPAK NI DR. JOSE RIZAL

ang metal na yapak ni  Dr. Jose Rizal na nag bibigay representasyon sa kanyang huling hakbang mula sa kanyang piitan patungo sa bagumbayan. ito ang mga marka ng kanyang pagiging martir sa huling niyang oras noong disyembre 30, 1896.

isa ito sa mga nakakamanghang tignan sa paligid sapagkat maari mong maisalarawan sa iyong isipan ang mga pangyayari na naganap hanbang papunta pa lamang siya bagumbayan.



ANG PIITAN NI DR. JOSE RIZAL SA FORT SANTIAGO

Dito  ang naging kulungan ni Dr. Jose Rizal sa loob ng fort Santiago noong Nobyembre 03, 1896 . matatagpuan ito malapit sa rizal shrine museun at tunnel kung saan makikita ang isang daungan ng mga bapor noong kapanahunan ni rizal,

Makikita dito ang isang replica ni Dr. Jose Rizal habang siya ay nasa loob ng kanyang kulungan at dito mo rin makikita ang simula ng marka ng kanyang mga hakbang patungo sa bagum,bayan.



MUSEO NI RIZAL ( FORT SANTIAGO)

Sa aking pag pasok sa loob ng Museo ng Fort Santiago nakita ko ang mga gamit ni Rizal  at isa dito ay ang Kanyang mga Damit na isinuot ni Dr. rizal sa pag Fencing at kanyang mga sulat para sa kanyang mahal na pamilya at kaibigan.
 

 

mga sertipiko at diploma ni Rizal
 sa Ateneo Municipal

 

ang huling liham para sa kanyang pamilya




Huling liham para sa kanyang matalik na kaibigan na si 
Blumentrit



ANG BANTAYOG NI DR. JOSE RIZAL ( RIZAL SHRINE ) 



Ito ang bantayog ni Dr. Jose Rizal na matatagpuan sa rizal park  sa  luneta na ang disenyo ay pinagbasihan sa gawa ng isang sweso na halos isang daang taon nang nakatayo. kakikitaan ito ng maganda at maayos na pamamahala ng mga namumuno sapagkat hanggang ngayon ay di mo ito kakikitaan ng mga dumi sa paligid. ang bantayog niyang ito ang laging nagpapaalala sa ation ng kanyang kadakilaan bilang isang pilipino at mananatiling inspirasyon sa lahat lalong lalo na sa mga kabataan na  nais paghusayan ang kanilang kaisipan at kakayanan.




PAANO AKO NAKAPUNTA?

  •  sumakay ako nang Dyip na patungo sa monumento ang aking binayad ay 13 pesos estudyante at ipakita lamang kay manong driver ang iyong I.d upang maka- discount sa  pamasahe. at bumaba ako ng monumento at lumakad ng konti para makasakay ng LR. sumakay ako ng LRT patungong UN Binayad ko ay 20 pesos pag kababa ko  sa UN nagtanong ako para hindi ako maligaw at hindi din maka gastos ng malaki. at itinuro saken ni manong kung saan kung paano pumunta. SALAMAT KUYA!!! 








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento